Friday, November 19, 2010

Para Sa 'Yo

Break muna tayo sa mga Lit-Emotard-Nagpapanggap-Na-May-Sense-Ako posts. Hayaan nyong lumandi muna ang inyong lingkod. Paminsan-minsan lang naman 'to mga parekoy at alam ko namang alam nyong isa akong birheng walang bahid dungis, di ba?

Anyhoo, napadpad ako minsan sa kabilang panig na kaharian ng blogosperya. Halatang baguhan talaga ako dahil nalula ako sa dami ng mga bloggers na straight...daw. Hehe. So, natuwa naman ako dahil ang daming aspiring writers. Pansin ko nga lang na mas maraming mahusay magsulat na bakla kesa sa kanila. Hehe. [peace out straight bloggers!]

Tapos ni-click ko yung isang blog. Gulat ako. Napatitig ako ng husto dun sa picture ni koyah. Matapos ang 10 seconds na para kong na-hypnotized, hindi na 'ko nakuntento. Mabilisan akong nag-back read at hinanap ang iba pa niyang mga pictures. Right click sabay save!

Taena! Kilig na kilig ako. 'Di na ko mapakali sa upuan ko. Para kong maiihi tapos gusto ko maghubad na lang. Ayun! Isa lang ang ibig sabihin neto - mahal ko na sya!

Hehe.

Describe ko sya. Moreno. Matangkad. Medium built ang katawan, yung tipong natural lang at alam mong 'di produkto ng gym. Round eyes. With nice set of teeth. Tapos yung buhok nya, alam mong dati syang semi-kalbo tapos ngayon humaba na lang ng konti.

Kaya lang, eto na naman. Hindi siya isang diwata gaya natin. Isa lang siyang hamak na mortal.

Kwento niya, konti pa lang ang naging gelfren nya. Napaisip ako. Sabi ko, sa gwapo niyang yun di bagay sa kanya ang torpe. Cool na cool lang talaga siya. Aliw na aliw ako sa mga post nya na talaga namang walang bahid kahit munting kamanyakan.

Hindi talaga pumintig kahit 1 decibel ang gaydar ko. Patay na. Wala talagang chance.

INSERT M.O.S. OF DB'S FRIEND: Eh 'di ba yun naman talaga ang mga type mo? Yung mga imposible at challenging? Tapos 'pag andyan na, ayaw mo na. 

Kaya sa 'yo pare, tatanawin na lang kita dito mula sa aming pink na kaharian at mamahalin ka ng malayuan. Basta, dito lang ako. Dyan ka lang.

Pero hayaan mong alayan kita ng isang tula na sinulat ko. Para sa 'yo to. Sana magustuhan mo at di ka mandiri na may isang baklang nagmamahal sa 'yo.

CHING! I love you tol!

gusto ko lang din sanang mahalin gaya mo.
ang ingatan at pahalagahan,
hawakan at hagkan,
buong suyo't, buong puso.
nais ko din sanang maramdaman,
maranasan at malaman,
kung paano mag-alala,
sa isang mahal na inaalala.
pangarap kong mahalin. magmahal.
ang may minamahal.

paano kaya ang alayan ng matatamis
na salita.
paano kaya bigkasin ang salitang
mahal kita.
saan kukuhanin mga awit
na isasambit.
saan papandayin mga halik
na kay hinhin.

kahibangan bang mangarap,
ang aking hangarin.
habiin sa isip, sa puso'y likhain
ang minsan sa kinabukasan
ang minsan sa isang bukas
isang pag-ibig na darating,
isang pag-ibig ang yayakapin.

lipas na yata ang panahon,
araw muli na namang umahon.
hindi na darating iyon. marahil,
wala din 'yon.


Note: Bawal makornihan kung ayaw mong makonyatan.

Alam kong likas kang tsismoso at gusto mong malaman kung sino.

CLUE: Basahin mong mabuti. Magbasa ka!

27 reaction(s):

Mu[g]en said...

Oiiii share! Sino yan?

my-so-called-Quest said...

yihhhiii! inlababo. hehehe

Guyrony said...

You naughty boy.

So, you had your fair share of crushing on straight guys, eh?

They say it's impossible.

I say offer them a deal they can't resist.

c - e - i - b - o - h said...

nagdadalaga?? este, nagbibinata... ahahaha...

Désolé Boy said...

Kuya Joms - eeeeeeh kuya..haha..nahihiya ako. di siya talaga napapadpad dito eh. at di siya nagbabasa ng blog ni Papa Solts kaya negang-nega talaga. hihi
.
.
Doc - hindi kaya
.
.
G - but i have nothing to offer =(
.
.
Ceiboh - hmpf!

JR said...

Ako na lang kasi! Ako na Lang sana! Ako na lang! Chos hahaha

JR greatkid_08

anteros' dominion said...

kung ang clue ay nasa tula, sa tingin ko matutukoy ko kung sino

...kahit hindi ako nagbabasa ng blog ng mga straight (ay mayruon pala, kaso lahat sila may asawa at anak na..)

hard2getxxx said...

how sweet ginawa mo pa siya ng tula. sana mabasa niya

c - e - i - b - o - h said...

at dahil hmpf ang comment mu sken..


hehehe

Duke said...

syet.. gumaganon oh parang pang florante't laura lang hehehe

Désolé Boy said...

JR - wag ka mag-alala. kaw pa rin naman number 1 ko ;)
.
.
Anteros' - actually ang pinakamalaking clue ay nasa TITLE..hehe
.
.
Hard2getxxx - parang imposible. di nagpupunta sa mga ganitong blog yun. pero sana =)
.
.
Ceiboh - hmpf ulit! haha. mwah
.
.
Duke/ Dwight - oo nga noh. hehe. galing mo!

Yj said...

straight straightan lang yan...

dahil ang tinutukoy mo ay nachupa ko na hahahahaha

ching!

Peter said...

Samahan kita - puntahan natin? Para makapagtapat ka.

my-so-called-Quest said...

alam ko na sino to. hahaha! apir db

Désolé Boy said...

YJ - haha. sigurado ka?
.
.
Peter - naku. di mo alam kung ga'no ko ka-torpe
.
.
Ced - pano kung mali ka?
.
.
[sa takot kong mabuko, na-unfollow ko tuloy siya. haha. baka magkagulo ang dalawang kaharian dahil sa 'ken]

soltero said...

hanglandee landeee ahahah...

atin atin lang, dami str8 bloggers na nagbabasa ng blog ko, kaya minsan nagtataka din ako hihihihi...meron one tym nagcomment na anonymous na sya din bka PLU na hihihi..


ganito gawin mo, magpapapansin ka, comment ka ng comment ever, lagi mo sya ipraise, basta papansin ka to the max!
malay mo, malay naten, malaysia bwahhaha (hiniram ko lng ke iurico)

Alter said...

good luck! :P

naniniwala akong maaari mong masungkit ang isang straight at the right place, at the right time,

- at the right amount.

toinks.

Désolé Boy said...

Soltero - ehh. Kuya Solts. Babae lang pinapansin nun eh. =(
.
.
Alter - mukhang hindi eh. hanggang tanaw na lang ako siguro.

Nimmy said...

eeeeeee!

isa kang kolehiyalang balingkinitan!!! hongswit na honglandi!!!! hihi

Ronnie said...

Si DB ay mahinhing mahindutin haha. Chos lang.

uu nga, share mo naman sa amin kung sino ang nagpapakilig sa'yo.

shenanigans said...

nakuuuuuuuuu! inlab si DB oh

Désolé Boy said...

Nimmy - balingkinitan naman talaga ko eh. bleh =p hahaha
.
.
Ronnie - ang pagiging mahinhin natural yan. hehehe. alam mo yan!
.
.
Shenanigans - hindi naman inlab. hehe. kaw talaga.

Mike said...

tiyang, parang kilala ko ang tinutukoy mo at oo, sya ang bf ko kaya lumayo ka sa kanya!

Charot! hahaha!
pero sa pagkaka-describe mo, kilala ko!!!! bwahihi!

orally said...

shet kung ang crush mo nagagawan mo ng tula, ano na lang ang kaya mong gawin pag jowa mo na.

at kinilig ako ng slight

Désolé Boy said...

Mike - game! sino hula mo?
.
.
Kuya Bien -(wag ka sana magreklamo sa kuya) wala naman akong magiging jowa eh.

Mac Callister said...

uy sino yun??kakainis naman!pano naging clue un title????

share na kasi! (nagpapapadyak sa sahig LOL)

charmedwishes said...

wow mukhang cute ni kuya ah

 

Copyright © 2010 Désolé Boy | Blogger Templates by Splashy Templates | Free PSD Design by Amuki