Tuesday, December 21, 2010

The Untitled Conversation

Bes: Kala ko ba ‘di ka na nag-iisip tungkol sa mga ganyan.
Me: Paminsan-minsan. Lalo pag nasa bus.
Bes: In almost 6 years na magkakaibigan tayo isa lang naman ang may lovelife sa ‘ten.
Me: Yeah right, si Coco. Ever since naman eh.
Bes: Maybe we’re too good for them.
Me: Or not! Bullshit!
(long pause)


Me: It’s just hard that I wasn’t just rejected. He didn’t allow me to show him how much I care for him…or yeah, how much I love him. God, I f*ckin hate that word.
Bes: But what would you want him to do? Sige nga…
(pause)
Bes: You know sometimes I think you’re just in love with the idea of being in love.
Me: And you thought of that because?
Bes: Because you’re one of the few persons I know who’s very independent. Gusto mo hawak mo lahat. Tsaka pag tinoyo ka, grabe pagka anti-social mo eh. Bigla ka na lang namumundok.
Me: Well maybe that’s why for once in my life I want someone to actually care and bother. Gusto ko na ma-experience magkajowa.
Bes: See? It’s just one of the many ideas and things you wanna try for yourself, like sleeping in a side-walk, maging barker ng jeep, maging cashier sa grocery…yung mga ganun mong idea. And you know what else I’m thinking? Tignan mo, puro yung nagugustuhan mo yung imposibleng magkagusto sa ‘yo…
Me: Tang ina gandahan mo yang sinasabi mo kundi ihahampas ko sa ‘yo ‘tong bote ng Red Horse. At bakit imposible nila ‘kong magustuhan?
Bes: Makinig ka kasi muna. Sabi ko. Parang you always want yourself hurting by the end. Gustong-gusto mong nasasaktan ka. Masokista ka Bes, alam mo yan. Sabagay lahat naman ng artist masokista. Dun kasi tayo humuhugot ng inspirasyon. I should know.
Me: Ulol! ‘Lam mo nagagaya ka na sa ‘ken. Masyadong ini-intellectualize ang mga bagay. Pero naisip mo naman siguro na 23 years old na tayo. Next year 24 na. Tanda na naten. Gusto mo bang mamatay tayo ng virgin?
Bes: Gago!
Me: Look, ikaw na lang at si Trish ang mga virgin sa girls. Ang putang Ralph naman nagpatira noong Undas. 'Tang ina, yung pwet nya ang tinirikan ng kandila. Hahaha, 
Bes: Hahahaha.
Me: Hahahaha.
(long pause)



Bes: The time for us will come, are you praying for it?
Me: Nope.
Bes: See? You’re too busy trying to save the world. Hindi lang kasi isang “jowa” ang nangangailangan sa ‘yo Bes. Maraming tao. Marami.
Me: Bes nakakapagod. What if ‘di na dumating. What if walang dumating for us?
Bes: Then we’ll be fine. We’ll be fine Bes.

Bes: Merry Christmas Bes.
Me: Merry Christmas Bes.

[It was the first time we cried in front of each other not for the reason that we’re fighting. We never talked about each other’s feelings. We never talked about our problems and the things that bother us. Usually, we’ll just sit side by side in silence and that’s it! Alam na namin pareho yun.

I did my best recalling the exact words we used and I think I did a pretty good job. I miss her so much and we rarely see each other now because of our respective impossible schedules.]

It’s goin’ to be a merry Christmas. It’s always a merry Christmas!

DBoy and his Bestfriend

15 reaction(s):

Nielz said...

bakit walang pagmumukha? ehhehehe..

ayos lang yan. here's my tight hug for you. *hugs*

Kyle Cee said...

Don't worry darating din yung para sayo. :D

my-so-called-Quest said...

aw. sweet naman ni bes.

have a merry xmas DB and to your bes. :D

Alter said...

kelan ang ganito naten?

KikomaxXx said...

that's why i have my bestfriend to share with thoughts like that... weeee... ang sweet niyo...

shenanigans said...

common denominator nating dalawa:

1."Paminsan-minsan. Lalo pag nasa bus"

-pareho tayo. siguro kasi sa sobrang busy "natin" eto lang yung time na makakapag isip tayo at makakausap natin yung sarili natin. yung panahon na "ooops! time out muna"
basta nahihirapan ako i-explain

2."In almost 6 years na magkakaibigan tayo"

-meron din akong best friend babae din 7 years nga lang kami

3."....Or not! Bullshit"

-i always think na ako ang mali nasa akin ang mali ako ang may kasalanan.

4."He didn’t allow me to show him how much I care for him"

-para ma lessen yung pain na nararamdaman ko... yan ang excuse ko pero sa huli ganun talaga hindi niya ako gusto. masakit pero totoo. sanay na ako kaya ngayon hindi na ako marunong magmahal. may mga crush ako pero parang hanggang dun na lang yun pagod na ko masaktan.. do you agree?

5."I know who’s very independent"

-kailangan pa ba i-explain? haha!

6."I want someone to actually care and bother"

-yes we're independent pero di ba sometimes pag galing ka sa labas gumimik ka kasama friends mo, yes masaya ka pero at the end of the day gusto mo pa din yung mya magte-text sayo at mag-aalala kung asan ka na. di ba sometimes we want to feel special to someone naman. we want to feel na may nagmamahal sa atin yung completely stranger. we want to feel secured emotionally.
tama di ba?

7." puro yung nagugustuhan mo yung imposibleng magkagusto sa ‘yo "

-tamuh! ewan ko.. lagi na lang wrong guy na nagugustuhan ko.

8. "Bes nakakapagod. What if ‘di na dumating. What if walang dumating for us?"

-pag may dumating anung gagawin mo? handa ka ba? ready ka ba sa lahat ng pwedeng mangyari? open ka ba? bibigyan mo ba siya ng pagkakataon na mahalin ka gaya ng sinasabi mo? "He didn’t allow me to show him how much I care for him"

*sorry DB ang haba ng comment ko pang blog entry na toh eh.. haha!
i cant help it kasi eh ang dami nating similarities.

orally said...

darating din yun DB.

soltero said...

bago nag lahat, punahin ko mun si shenanigans..UMEFFORT tlaga sa pagcomment ahhahahaha...


anyways, HOY 23 kpa lng! ano kba! ang bata bata mo pa, kung mag isip ka apra knang 40 at wala ng asim at ganda LOL


Para matapos na yan, magpatirik kna rin ng kandila sa random guy na makita mo,para di ka na 24 yr old virgin! ahahhaha :P

Meri Xmas Des! Mwahhh :P

Nimmy said...

effort ka russ sa comment ha!!!!!!!!! un lang. :P

ang ganda ng relationship niyo db! namiss ko bigla ang bes ko. :)

c - e - i - b - o - h said...

alam mu DB,, is love bes!!
the line:: "in love with the idea of being in love" has been one of the taglines ni RS to make people realize things.. haaay..

wag kang magmadali DB,, promiz, someone's meant for you somewhere...

shenanigans said...

@ceiboh: somewhere???

nimmy somewhere daw oh?..

haha! chos lang!

shenanigans said...

@ceiboh: somewhere???

nimmy somewhere daw oh?..

haha! chos lang!

@nimmy and soltero: nakakarelate kasi ako sa kanya

Sean said...

DB, enjoy ka lang ng life at darating din yan.

c - e - i - b - o - h said...

hoy shen!! wag kang echoz jan.. anu gusto mu,, someone in the corner??

ahahahah

Peter said...

Two days pa para mapigil ang SMP! Nandito kaming lahat para mapigil yan.

 

Copyright © 2010 Désolé Boy | Blogger Templates by Splashy Templates | Free PSD Design by Amuki