I would’ve thanked my family and friends here but who are we kidding? As if they’re gonna read this. So allow me to just thank a few people here who made my blogging days quite a journey.
To McVie, Master Mu[g]en, and Soltero, you were the firsts to follow and comment on my blog entries. Kasalanan ninyo kung bakit marame-rame na rin ang nakakakilala kay DB ngayon. Hehe. Maraming maraming salamat sa inyong tatlo. Kayo ang nagbukas ng mga pinto patungo dito sa aking tahanan.
Kay Jay, na siyang nagging mitsa ng pagba-blog ni Desole Boy. Lubos akong nagpapasalamat dahil naging tapat ka una pa lang na katawan ko lang talaga ang habol mo. Chos! Haha. At least, nasaktan man ako at ganun mo na lang ako binalewala pagkatapos, hindi mo naman ako talaga pinaasa. You made me feel soooo special in your arms during those 6 hours in a motel. =p
To my idols in writing who continuously inspire me to thread words of adventures and of failures, of dreams and of nightmares and of triumphs and frustrations, Kane, Red the Mod, my brother “twin-soul” Alterjon at lalo’t higit sa mga blog na binabasa ko noon pa mang hindi pa ako blogger [ayan trivia yan] Daddy Kuri, Baklang Maton, muli si Master Mu[g]en, Aris at si Popoy Inosentes . Salamat. Salamat.
Kay Doc Ced at kay JP, the only living souls who saw the real person behind the mask of Desole Boy. Thank you guys! [Madagdagan kaya sila? We’ll see.]
Sa inaanak kong si Pipo [inaanak na kasing-edad ko naman] salamat sa mga payo and words of encouragement! Idedeliver ko personally yung gift, I promise!
Salamat din sa makukulit na posts ni Nimmy, kulitan with Ceiboh/ Kiko, at yung dalawang crush ko dito sa blogosphere na yung isa ay kumpirmadong straight at yung isa eh pinag-aaralan ko pa rin at sinesurvey hanggang ngayon [his passion for fashion is a huge hint, but we'll see].
Gusto ko din pasalamatan ang mga dumating na bagyo dahil ang dame nila. You all made me feel like Superman! A f*ckin hot and fabulous Superman!
Sa mga nasaling ng aking pagsusulat [noli me tangere, gagah!], kung meron man kayong hindi nagustuhan, sa mga nasaktan at napikon sa mga pagbibiro ko [dito man sa blog o sa twitter] humihingi ako ng paumanhin. Gayundin sa mga naumay sa kadramahan ko, alam kong marami-rami kayo, pasensya na rin at salamat dahil patuloy pa rin kayong bumabalik.
At sa mahigit na isandaang madlang-people sumusubaybay sa mga kwento ko at kwento ng mga taong nakikilala ko, you guys own Desole Boy! He’s all yours coz you guys are one of the reasons why he’s still here. That’s why I promise to be more reachable this year [feeling artista? tseh!]. 'Di na ko magiging mailap. Pangako yan.
I’m not going to wish for a better year. I only pray for hope, courage and the ability to trust. The last one, I know, would be a real struggle considering all the shenanigans that drowned me the past year. But I’ll get there. I’m working on it.
Hangad ko ang kapayapaan at pagkakaisa sa ‘ting lahat dito. Hangad ko ang kapatawaran at paghilom sa lahat ng mga nasaktan ng nagdaang taon. Hangad ko ang mas marami pang pakikipagkaibigan at pakikipagkwentuhan sa inyong lahat.
So let me propose a toast, raise your glasses [if you don’t have then your pinky will do] and cheers!
To freedom!

A HOPEFUL NEW YEAR TO ALL OF YOU!